Paggamit ng maraming SIM card
Gumagana ang iyong device nang may isa o dalawang nakapasok na SIM card.
Makakatanggap ka ng papasok na komunikasyon sa parehong SIM card at maaari mong
piliin kung aling numero ang gusto mong gamitin sa pagsasagawa ng papalabas na
komunikasyon. Bago mo magamit ang parehong SIM card, kailangan mong paganahin
ang mga ito at piliin ang SIM card na mangangasiwa sa trapiko ng data.
Maaari ka ring mag-forward ng mga tawag na papasok sa SIM card 1 patungo sa SIM
card 2 kapag hindi matawagan ang SIM card 1, o ang kabaligtaran nito. Ang tawag sa
function na ito ay Dual SIM reachability. Dapat mo itong paganahin nang manu-mano.
Tingnan ang
Pagpapasa ng mga tawag
sa pahinang 83.
Upang paganahin o hindi paganahin ang paggamit ng dalawang SIM card
1
Mula sa
Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Dual SIM.
3
Tapikin ang mga slider na
SIM1 at SIM2 upang i-enable o i-disable ang mga SIM
card.
Upang palitan ang pangalan ng isang SIM card
1
Mula sa
Home screen, tapikin .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Dual SIM.
3
Pumili ng SIM card at magpasok ng bagong pangalan para dito.
4
Tapikin ang
OK.
20
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Upang piliin kung aling SIM card ang mangangasiwa sa trapiko ng data
1
Mula sa iyong
Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Dual SIM > Trapiko ng mobile data.
3
Pillin ang SIM card na gusto mong gamitin para sa trapiko ng data.
Para sa mas mataas na bilis ng data, piliin ang SIM card na sumusuporta sa pinakamabilis na
mobile network, halimbawa, 3G.