Pagpapasa ng mga tawag
Maaari kang magdirekta ng mga tawag sa ibang tatanggap, gaya ng ibang numero,
ibang device o sa isang answering service. Maaari ka ring magpasa ng mga tawag na
papasok sa SIM card 1 patungo sa SIM card 2 kapag hindi makakonekta sa SIM card 1,
at kabaliktaran. Ang tawag sa function na ito ay Dual SIM reachability. Dapat mo itong
paganahin nang manu-mano.
Upang mag-forward ng mga tawag
1
Sa iyong
Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Tawag.
3
Pumili ng SIM card.
4
Tapikin ang
Pagpapasa ng tawag > Boses at pumili ng opsyon.
5
Ipasok ang numero kung saan gusto mong mag-forward ng mga tawag,
pagkatapos ay tapikin ang
I-on.
Upang i-off ang pagpapasa ng tawag
1
Sa iyong
Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Tawag.
3
Pumili ng SIM card.
4
Tapikin ang
Pagpapasa ng tawag.
5
Pumili ng opsyon, pagkatapos ay tapikin ang
I-off.
Upang paganahin ang function na Dual SIM reachability
1
Mula sa iyong
Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Dual SIM > Pagkaabot ng Dual SIM.
3
Sa ilalim ng
Pagkaabot ng Dual SIM, tapikin ang slider upang i-enable ang
function.
4
Sundin ang mga tagubilin sa screen upang makumpleto ang pamamaraan.
Kung hindi gumana ang function ng Dual SIM reachability pagkatapos mong paganahin ito,
tingnan kung naipasok mo ang mga numero ng telepono nang tama para sa bawat SIM card.
Sa ilang pagkakataon, awtomatikong nade-detect ang mga numero sa panahon ng pag-
setup. Kung hindi naman, ipo-promt ka na ipasok ang mga iyon nang manu-mano.