Sony Xperia XZ Dual SIM - Pagbubukas ng iyong device sa unang pagkakataon

background image

Pagbubukas ng iyong device sa unang pagkakataon

Inirerekomendang i-charge mo ang baterya nang hindi bababa sa 30 minuto bago i-on

ang iyong device sa unang pagkakataon. Magagamit mo pa rin ang iyong device habang

nagcha-charge ito, tingnan ang

Pagcha-charge ng iyong device

sa pahinang 40.

Sa unang pagkakataong bubuksan mo ang iyong device, tutulungan ka ng gabay sa

pag-setup sa pag-configure ng mga pangunahing setting, pag-personalize ng iyong

device at pag-sign in sa iyong mga account (halimbawa, sa iyong Google™ account).

Upang i-on ang device

Mahalagang gamitin ang USB Type-C™ cable (na ibinigay) kapag china-charge ang iyong

device dahil maaaring makasira sa iyong device ang iba pang mga uri ng USB cable.

Inirerekomenda na i-charge ang baterya sa loob ng hindi bababa sa 30 minuto bago i-on ang

device sa unang pagkakataon.

1

Pindutin nang matagal ang power key hanggang sa mag-vibrate ang device.

2

Ipasok ang iyong PIN para sa SIM card 1 at SIM card 2 kapag hiniling,

pagkatapos ay tapikin ang

.

3

Maghintay sandali bago bumukas ang device.

Ang unang ibinigay na PIN ng iyong SIM card ay mula sa iyong network operator, ngunit

maaari mo itong palitan sa ibang pagkakataon mula sa menu ng Mga Setting. Upang iwasto

ang isang pagkakamaling nagawa habang ipinapasok ang PIN ng iyong SIM card, tapikin ang

.

Upang isara ang device

1

Pindutin at tagalan ang power key na hanggang sa magbukas ang menu ng

mga opsyon.

2

Sa menu na mga opsyon, tapikin ang

Pag-off ng power.

Maaaring tumagal nang ilang saglit bago mag-shut down ang device.