Pagtanggal ng ingay
Sinusuportahan ng iyong device ang mga headset na nagtatanggal ng ingay. Sa
pamamagitan ng paggamit ng headset na nagtatanggal ng ingay sa iyong device,
magkakaroon ka ng mas malinaw na kalidad ng audio kapag nakikinig, halimbawa, sa
musika sa maingay na lugar, gaya ng kapag nakasakay sa bus, tren o eroplano.
Magagamit mo rin ang feature na ito para makapag-aral, makapagtrabaho o
makapagbasa ka nang walang ingay.
Para matiyak ang pinakamahusay na pagganap, inirerekomenda ang mga headset na
nagtatanggal ng ingay mula sa Sony.
Para gumamit ng headset na nagtatanggal ng ingay
1
Ikonekta ang headset na nagtatanggal ng ingay sa iyong device.
2
Sa iyong
Home screen, hanapin at tapikin ang > Mga Setting > Tunog > Mga
setting ng accessory > Pagkansela ng ingay, pagkatapos ay i-enable ang
function na
Pagkansela ng ingay sa pamamagitan ng pagtapik sa slider.
3
Tapikin ang
Uri ng Headset/Headphone, at piliin ang uri ng iyong headset/
headphone.
4
Kung gusto mong i-enable lang ang
Pagkansela ng ingay sa panahon ng pag-
playback ng musika o video o kapag aktibo ang screen, tapikin ang slider na
Mode na Power save upang i-enable ang function na ito.
5
Kung gusto mong i-enable ang
Pagkansela ng ingay hangga't nakakonekta ang
headset, tapikin ang slider na
Mode na Power save upang i-disable ang function
na ito.
Maaaring walang kasamang headset na pantanggal ng ingay ang iyong device kapag binili mo
ito.
Maaari mo ring i-enable ang function na
Pagkansela ng ingay sa pamamagitan ng panel ng
Mga mabilisang setting kapag nakakonekta sa iyong device ang isang headset na
nagtatanggal ng ingay.
Para i-adjust ang mga setting sa ingay sa paligid
1
Siguraduhing nakakonekta sa iyong device ang isang headset na nagtatanggal ng
ingay.
2
Sa iyong
Home screen, tapikin ang .
3
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Tunog > Mga setting ng accessory >
Pagkansela ng ingay > Environment ng ingay.
4
Piliin ang nauugnay na uri ng ingay sa paligid, pagkatapos ay tapikin ang
OK.
73
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.