Sony Xperia XZ Dual SIM - Paggamit ng mga serbisyo ng lokasyon

background image

Paggamit ng mga serbisyo ng lokasyon

Pinapayagan ng mga serbisyo sa lokasyon ang mga application gaya ng Mga Mapa at

ng camera na gumamit ng impormasyon mula sa iyong mobile o Wi-Fi network pati na

rin ang impormasyon sa Global Positioning System (GPS) para matukoy ang iyong

tinatayang lokasyon. Kung wala kang line of sight sa mga GPS satellite, maaaring tukuyin

ng iyong device ang iyong lokasyon gamit ang function ng Wi-Fi. Gayundin, kung wala ka

sa sakop ng isang network, maaaring tukuyin ng iyong device ang iyong lokasyon gamit

ang iyong mobile network.
Para gamitin ang iyong device sa pag-alam kung nasaan ka, kailangan mong paganahin

ang mga serbisyo ng lokasyon.

Maaari kang magkaroon ng mga singil sa koneksyon ng data kapag kumonekta ka sa Internet

mula sa iyong device.

Upang paganahin o hindi paganahin ang mga serbisyo sa lokasyon

1

Mula sa iyong

Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Lokasyon, pagkatapos ay tapikin ang slider

upang i-enable o i-disable ang mga serbisyo ng lokasyon.

Pagpapabuti ng katumpakan ng GPS

Sa unang pagkakataon na gamitin mo ang function na GPS sa iyong device, maaaring

tumagal ito ng ilang minuto bago mahanap ang iyong lokasyon. Para makatulong sa

paghahanap, tiyaking natatanaw mo ang langit. Tumayo at huwag gumalaw, at huwag

takpan ang GPS antenna (ang naka-higlight na lugar sa imahe). Maaaring tumagos ang

GPS signal sa mga ulap at plastic, ngunit hindi sa karamihan ng mga solidong bagay

gaya ng mga gusali at bundok. Kung hindi mahanap ang iyong lokasyon makalipas ang

ilang minuto, lumipat sa ibang lokasyon.