Sony Xperia XZ Dual SIM - Pag-update sa iyong device

background image

Pag-update sa iyong device

Dapat mong i-update ang software sa iyong device para makuha ang pinakabagong

functionality, mga pagpapahusay at mga pag-aayos ng bug para matiyak ang

pinakamahusay na pagganap. Kapag may available na update sa software, lalabas ang

sa status bar. Maaari ka ring tumingin ng mga bagong update nang manu-mano, o

mag-iskedyul ng update.
Ang pinakamadaling paraan para mag-install ng update sa software ay gawin ito nang

wireless mula sa iyong device. Gayunpaman, hindi mada-download nang wireless ang

ilang update. Dahil rito, kailangan mong gamitin ang software na Xperia™ Companion sa
isang PC o Apple

®

Mac

®

computer upang i-update ang iyong device.

Bago i-update ang iyong device, isaalang-alang ang sumusunod:

Siguraduhing mayroon kang sapat na espasyo sa storage bago subukang mag-update.

Kung gumagamit ka ng device na maraming user, dapat kang mag-log in bilang may-ari,

ang pangunahing user, upang i-update ang device.

Ang mga update sa system at application ay maaaring magpakita ng mga feature sa

iyong device sa paraang naiiba sa paglalarawan sa User guide na ito. Ang Android™ na

bersyon ay maaaring hindi maapektuhan matapos ang isang update.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga update sa software, pumunta sa

www.sonymobile.com/update/

.

Upang tumingin ng bagong software

1

Kung gumagamit ka ng device na may maraming user, tiyaking naka-log in ka

bilang may-ari.

2

Mula sa iyong

Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Tungkol sa telepono > Update ng software.

Kung walang bagong software ang available, posibleng wala ka nang sapat na libreng memory

sa iyong device. Kung ang iyong Xperia™ device ay may mas mababa sa 500 MB ng libreng

internal memory na available, hindi ka makakatanggap ng anumang impormasyon tungkol sa

bagong software. Sa pagkakataong ito, makakatanggap ka ng babala sa panel ng

Pagpapaalam: “Mauubos na ang espasyo ng storage. Maaaring hindi gumana ang ilang mga

function ng system. Kung matanggap mo ang notification na ito, dapat kang magbakante ng

internal memory upang makakuha ng mga pagpapaalam tungkol sa bagong available na

software.

Pag-update ng iyong device nang wireless

Gamitin ang application na Pag-update ng software upang i-update ang software ng

iyong device nang wireless. Ang mga update na maaari mong i-download sa

pamamagitan ng isang mobile network ay nakadepende sa iyong operator.

Inirerekomendang gumamit ng Wi-Fi network sa halip na mobile network upang mag-

download ng bagong software nang sa gayon ay maiwasan mo ang mga gastos sa

trapiko ng data.

Upang mag-download at mag-install ng update sa system

1

Kung nagbabahagi ka ng device na may maraming user, tiyaking naka-log in ka

bilang may-ari.

2

Mula sa iyong

Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Tungkol sa telepono > Update ng software.

4

Kung available ang isang update ng system, tapikin ang

I-downoad upang i-

download ito sa iyong device.

5

Kapag tapos na ang pag-download, tapikin ang

Magpatuloy at sundin ang mga

tagubilin sa screen upang kumpletuhin ang pag-install.

44

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Upang mag-iskedyul ng pag-update ng software

1

Mula sa iyong

Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Tungkol sa telepono > Update ng software.

3

Tapikin ang , pagkatapos ay tapikin ang

Mga setting > Awtomatikong pag-install

>

Magtakda ng oras.

4

Itakda ang gustong oras para sa pag-update ng software, pagkatapos ay tapikin

ang

OK.

Para i-update ang iyong device gamit ang isang computer

1

Gamit ang isang USB cable, ikonekta ang iyong device sa computer.

2

Tiyaking naka-unlock ang screen ng iyong device, at ang USB connection mode

sa device ay nakatakda sa

Maglipat ng mga file.

3

Buksan ang Xperia™ Companion kung hindi ito awtomatikong malulunsad.

4

Tiyaking maaaring i-access ng computer ang Internet.

5

Computer: Kung may ma-detect na bagong update sa software, may lalabas na

popup window. Sundin ang mga tagubiling nasa screen para paganahin ang mga

nauugnay na update sa software.

Kung hindi pa naka-install ang software na Xperia™ Companion sa nauugnay na computer,

ikonekta ang iyong device sa computer at sundin ang mga tagubilin sa pag-install na nasa

screen. Tiyaking ginagamit mo ang USB cable na kasama ng iyong device at nakakonekta ito

nang wasto sa device at computer.